Trader inutas ng 3 tauhan

BULACAN , Philippines– Brutal na kamatayan ang sinapit ng 62-anyos na negosyante matapos paluin sa ulo ng tatlong di-kilalang lalaki na sinasabing tauhan nito sa loob ng kaniyang bahay sa Barangay Pulong Gubat, bayan ng Balagtas, Bulacan kamakalawa ng gabi. Basag ang bungo nang matagpuan ng mga kaanak ang duguang katawan ni Manuel Yalong. Sa ulat ni PO2 Jonar Azarcon, huling namataang buhay ang biktimang lulan ng SUV (TCO423) na dumating sa kanyang bahay bandang alas-7 ng gabi na may kasamang tatlong lalaki. Bumili pa ng alak sa tindahan ang biktima kung saan kinabukasan ay natagpuan ang bangkay nito.  Ayon sa pulisya, nawawala ang mga personal na gamit ng biktima maging ang malaking halaga na nakatago sa aparador.

Show comments