CAVITE, Philippines – Pinaniniwalaang nakadama ng matinding depresyon kaya nagpasalubong kay kamatayan ang 47-anyos na seaman matapos itong magbaril sa sarili sa loob ng kanilang bahay sa Barangay Sampaloc 4, Dasmariñas City, Cavite kahapon ng madaling-araw. Nagtamo ng tama ng bala ng baril sa ulo ang biktimang si Greeco Abueg ng Block 25, Lot 5, Bahay Pangarap Subd. sa nabanggit na barangay. Huling namataang buhay ang biktima na naglilinis ng kanilang bahay kung saan inutusan pa nito ang misis na bumili ng kape sa tindahan. Pagbalik ng misis sa kanilang bahay ay duÂguang nakabulagta sa sahig ang biktima. Narekober ng mga tauhan ng Scene of the Crime Operatives (SOCO) ang cal. 38 revolver na ginamit ng biktima sa pagpapakamatay.