7-anyos nangisay sa kuryente

CAMP SIMEON OLA, Legazpi City, Philippines - Nagwakas ang buhay ng 7-anyos na nene matapos itong makuryente sa terminal ng traysikel sa Barangay Esteban, bayan ng Nabua, Camarines Sur kamakalawa ng gabi. Naisugod pa sa Rinconada Medical Center subalit namatay din ang biktimang si Fayefiel Rea Mae Garbiles, Grade 1 pupil at nakatira sa Barangay San Antonio Poblacion sa nabanggit na bayan. Sa police report, naglalaro ang biktima kasama ang ilang kalarong bata nang madapa ito sa bahagi ng terminal ng sasakyan kung saan napahawak sa poste ng tent na may nakapalupot na talop na linya ng kuryente. Dito na nangisay ang biktima kung saan sinaklolohan naman ng ilang driver na nakatambay at naisugod sa nasabing ospital.

 

Show comments