Trike vs jeep: Sanggol pisak

BULACAN, Philippines – Napisak ang apat na buwang gulang na sanggol habang kritikal naman ang tatlo nitong kaanak matapos salpukin ang kanilang sinasakyang traysikel ng owner-type jeep sa kahabaan ng highway sa Barangay Tartaro sa bayan ng San Miguel, Bulacan kamakalawa ng hapon. Kinilala ang nasawi na si Sofia Zapra habang sugatan naman sina Rolando Teneso, 27; Criselda Zapra, 25; at si Gadiel Zapra, 4, pawang nakatira sa Barangay Cambio. Sumuko naman ang drayber ng jeep na si Benjamin Villanueva, 58, ng Barangay Poblacion. Ayon kay P01 Venacio Buquel, lumilitaw na nilagpasan ng traysikel (OE2547) na minamaneho ni Teneso na lulan ang mga biktima ang sinusundang sasakyan subalit nakasalubong nito ang owner-type jeep (CFW613) ni Villanueva kaya naganap ang trahedya.

Show comments