MANILA, Philippines - Aminado si head coach Tim Cone na malaki ang naging ‘pressure’ sa San Mig Coffee para makamit ang 2014 PBA Governor’s Cup na tatampukan ng kanilang Grand Slam.
Kaya naman sa kanilang 79-88 kabiguan sa Rain or Shine Elasto Painters sa Game Four noong Lunes ay litaw na litaw ang pagpipilit ng Mixers na manalo.
“No doubt we have more pressure. We’ve rea-lized that, and we have to play through it. Winning a Grand Slam is hard,” sabi ni Cone.
Nagtabla sa 2-2 sa kanilang best-of-five titular showdown ng Rain or Shine, muling pipilitin ng San Mig Coffee na angkinin ang korona sa Game Five ngayon.
Target ng 56-anyos na si Cone ang kanyang ika-18 PBA championship at pangalawang PBA Grand Slam matapos igiya ang Alaska noong 1996.
Ang Crispa ni legen-dary mentor Baby Dalupan ang umangkin sa unang Grand Slam noong 1976 season at dinuplika ito ng Redmanizers ni coach Tommy Manotoc noong 1983 na nagpakilala kay “Black Superman” Billy Ray Bates bilang import.
Ang San Miguel Beer ni Norman Black ang sumikwat ng ikatlong Grand Slam noong 1989 kasunod ang Alaska ni Cone noong 1996.
“It’s gonna be hard for us. We really felt that there’s more pressure on us because of the Grand Slam,” wika ni Cone.(RC)