MANILA, Philippines - Nalungkot din kami sa mga producers na hindi napili sa walong opisyal na kalahok ngayong December film festival na inihayag last Tuesday ni MMDA Chairman Francis Tolentino.
May isang producer na in full force nang dumating sa venue. Kasama niya ang ilang staff na umaasa na mapipili ang movie nila. May isang producer naman na nanatili sa ibaba ng venue dahil kinakabahan daw siya na baka hindi masali sa listahan ang ginawang movie.
True enough, hindi nakasali ang dalawang pelikula. Ang opinion ng mga taong nandoon, luma na ang kuwento ng entry nila. Eh, base sa mga listahan ng walong napili, bago ang konsepto. Maging ‘yung laÂging kasaling mga artista sa festival, binago na rin ang entries. Walang repeat performance, huh!
Ang isang inaabangan sa entries ay ang Be Careful With My Heart. Siyempre, sobra nang stretched ang kuwento nito sa TV kaya naman ano pa ang bagong maipapakita sa big screen, huh! Mainit pa kaya ang mga lead stars pagdating ng December?
10,000 hours nakapag-shooting na
Isa sa pinakamasayang producers na nagustuhan ang entry niyang 10,000 Hours ay si Neil Arce. Sumaglit muna sa announcement ang boyfriend ni Bela Padilla bago tumungo sa meeting niya kay Vic del Rosario. Hindi na niya na hinintay ang resulta ng opisyal na kalahok.
Sa project na ito na pinagbibidahan ni Robin Padilla, kinumisyon ni Neil ang Philippine Film Studios upang mamahala sa movies. Although hands on din siya sa production, gusto niyang nasa likod lang siya ng proyekto.
Habang waiting din kami ng resulta, nakita namin ang director ng movie na si Joyce Bernal. Nakapagsimula na raw siya ng shooting last Monday pero hindi pa kasama si Binoe. Sa first week of July pa raw ang shooting ng action hero.
Komo hindi namin alam na si Bb. Joyce rin pala ang director ng Vic Sotto-Kris Aquino entry, hindi namin siya natanong tungkol doon. Naku, lalong papayat si Direk Joyce ngayong dalawang pelikula ang tatapusin niya para sa festival!
Aktor patuloy ang sustento sa taong nakatulong sa kanyang career
Patuloy pa rin pala ang pagbibigay ng pera ng isang sikat na male celebrity sa taong malaki ang naitulong sa kanya. Kahit may nagpapadagdag kung minsan ang taong ‘yon after na mabigyan na siya ng datung, hindi ‘yon alintana ng celebrity kumpara sa suwerteng ibinigay sa kanya ng tao, huh!
No wonder, patuloy ang daloy ng blessings sa kilalang celebrity dahil marunong siyang tumanaw ng utang na loob. Nadiskaril man ang career niya noon, hindi pa rin siya iniwan ng taong tumulong sa kanya noon.