Sa isang idlip ng mata, wala na si Peter June Simon.
Yes, just like that.
Nag-collapse si Simon sa isang above-40 game sa Davao City, isinugod sa ospital pero binawian ng buhay.
Sa unang tingin, heart failure or aneurysm.
Nakapagtataka dahil 46 lang si Simon, isang PBA star na naglaro sa Magnolia from 2004 up to 2020.
At dahil player, alam mong kundisyon.
Pero ganyan ang buhay kaya naman dumagsa ang pakikiramay ng mga teammates, coaches, fans at PBA family.
Kamador si Simon sa court at naging eight-time PBA champion. Sa labas ng court, isang masayang family man.
Of course, devastated ang pamilya.
May kumalat na video ng insidente sa Facebook pero ang naisip ko lang, out of respect, hindi na sana ito ginawang public.
Well, nariyan na ‘yan.
For now, lubos ang pakikiramay natin sa pamilya ni Simon.
Rest in peace, Mr. Hotshot.