Ilang beses na ako nakaapak sa loob ng Malacañang para sa official function.
Palaging tungkol sa sports at laging nandun ang Pangulo.
Isang reminder lang ang dehins ko nakakalimutan: Bawal ang maong.
Yes, mahigpit na ipinagbabawal ‘yan sa Palasyo – sa mga bisita, employees at kahit members ng Malacañang press.
Basta, bawal.
Pero hindi kay Alex Eala, ang ating tennis superstar na dumalaw kay PBBM kahapon.
Naka-maong si Eala at ang kanyang mother dear. Baka dehins nila alam or dehins nasabihan.
Hinarap sila ni PBBM at First Lady Liza Marcos. Masayang okasyon at pinarangalan si Eala matapos ang matagumpay na kampanya sa Wimbledon.
Hindi nag-champion pero nag-celebrate ang bayan dahil for the first time, meron nang isang homegrown Pinay na lumalaban sa Grand Slam event ng tennis.
Darating ang araw mananalo rin si Eala. At pag nangyari ‘yan, siguradong invited siya ulit sa Malacañang.
Basta si Eala, pwede ang maong.
No problem.