Romero palalakasin ang grassroots programs

Kasama ni 1Pacman Partylist No. 1 nominee Milka Romero at ng Capital1 players ang mga lumahok sa clinic para sa young entrepreneur na inorganisa sa Cebu

MANILA, Philippines —  Target ni partylist first nominee at Capital1 co-owner Milka Romero na mas lalong palakasin ang volleyball programs sa bansa upang makatuklas ng mga bagong talento na susunod sa yapak ni volleyball star Alyssa Valdez.

Kaya naman isa sa programa ni Romero ang pagpapalawak ng grassroots development program kabilang na ang pagdaraos ng ilang serye ng volleyball clinics sa iba’t ibang panig ng bansa.

Dumayo pa ang gurpo ni Romero sa Cebu City at Lapu-Lapu City para sa ilang clinics na naglalayong bigyan ng kaalaman ang mga batang nais na ma­ging mahusay na volleyball players sa mga susunod na henerasyon.

Katuwang ni Romero ang PVL team Capital1 sa volleyball clinics kung saan kasama sina Solar Spikers stars Iris Tolenada, Leila Cruz, Roma Mae Doromal, Jorelle Singh at Des Cle­mente sa clinics gayundin si coach Roger Gorayeb.

Nagharap din ang Ca­pital1 at Galleries Towers, at ang Cignal at NXLED sa PVL kung saan dinaluhan ito ng mahigit 5,000 Cebuanos sa Minglanilla Sports Complex.

Awardee si Romero ng Honorary Modern Filipina Heroism of the Year sa 7th Nation Builders and MOSLIV Awards.

Maliban sa sports grassroots programs, ha­ngad din ni Romero na palakasin ang adbokasiya nito sa women in sports.

Show comments