Raptors tustado sa Heat; Celtics dinaig ang Pistons

Kinaliwa ni Miami Heat center Bam Adebayo ang kanyang layup laban sa depensa ni Toronto Raptors guard Ochai Agbaji.
STAR/ File

MIAMI — Kumolekta si center Bam Adebayo ng 21 points, 16 rebounds at 5 assists para tulungan ang Heat sa 114-104 pagpapatumba sa Toronto Raptors.

Binanderahan ni Tyler Herro ang Miami (13-10) sa kanyang 23 points, saman­talang may 14 at tig-11 mar­­kers sina Nikola Jovic, Jimmy Butler at Dru Smith, ayon sa pagkakasunod.

Pinangunahan naman ni guard Gradey Dick ang Toronto (7-19) sa kanyang 22 points kasunod ang 16 markers ni center Jake Poetl.

Naglista si team sco­ring leader RJ Barrett ng tri­ple-double na 13 points, 11 rebounds at 10 assists.

Bumangon ang Heat mula sa isang 16-point def­ticit sa second quarter tam­pok ang 11 points ni Jo­vic.

Sa Boston, bumira si Payton Pritchard ng 27 points tampok ang pitong three-pointers para tulu­ngan ang nagdedepensang Celtics (20-5) sa 123-99 paggupo sa Detroit Pis­tons (10-16).

Nagdagdag si Derrick White ng 23 points kasama ang pitong triples para sa Boston na hindi pinaglaro sina All-Star Jayson Tatum (sore right knee) at Sam Hauser (strained abdominal muscle).

Pinamunuan ni Cade Cunningham ang Pistons sa kanyang 18 points, 8 re­bounds at 8 assists.

Sa New Orleans, nag­pa­­sabog si Domantas Sa­­bonis ng season-high 32 points at dinuplika ang season best 20 rebounds para gabayan ang Sacra­mento Kings (13-13) sa 111-109 pagtakas sa Pelicans (5-21)

Bumanat si DeMar De­Rozan ng 29 points, ha­bang may tig-18 mar­kers sina De’Aaron Fox at Keegan Murray para sa ikatlong sunod na ratsada ng Sacramento.

Nagpaputok si CJ McCollum ng season-high na anim na 3-pointers at tu­mapos na may 36 points para sa New Orleans.

Show comments