USA sinibak ang Germany

Lusot ang spike ni TJ Defalco ng USA sa depensa nina Johannes Tille at Tobias Krick ng Germany sa Men’s VNL Manila Leg.
Russell Palma

MANILA, Philippines — Pinatalsik ng United States ang Germany, 25-23, 21-25, 26-24, 25-23, para buhayin ang tsansa sa quarterfinal round ng 2024 Volleyball Nations League (VNL) Manila Leg kahapon sa Mall of Asia Arena sa Pasay City.

Pumalo si Matt Anderson ng 23 points mula sa 20 attacks at tatlong aces habang may 20 markers si TJ Defalco para sa 5-6 record ng mga Americans at upuan ang No. 10 spot.

Katabla nila ang Cuba (5-6) at Argentina (5-6) kasunod ang Serbia (5-5) sa labanan para sa huling tiket sa VNL Final 8.

Para makasama sa Final Eight ng torneo ay kailangang talunin ng mga Americans ang mga Japanese sa kanilang final preliminary match kasabay ng panalangin na matalo ang mga Cubans, Serbians at Argentinians sa kanilang mga laro.

Nagdagdag si team captain Micah Christenson ng 29 excellent sets at tatlong puntos para sa back-to-back VNL runners-up.

“Hopefully, we get a little bit of support. I know Japan is very popular, but we’re gonna try to do our best for everybody,” ani Christenson sa mga Japanese na may 7-3 baraha.

Samantala, winalis ng Canada ang kanilang apat na laro sa Manila leg matapos ang 21-25, 25-22, 28-26, 14-25, 15-9, pagtakas sa Netherlands.

Sa bisa ng 8-4 kartada ay inupuan ng mga Canadians ang No. 4 spot sa Final Eight at inihulog ang mga Dutch sa 3-9 marka.

Show comments