Victory parade ng Celtics dinumog

Hawak ni Jayson Tatum ang Larry O’Brien Trophy sa victory parade ng NBA champions Boston Celtics.

BOSTON — Ibi­nahagi ng Celtics ang ka­nilang napa­nalunang Larry O’Brien Trophy sa nakaraang NBA Finals sa isang duck boat victory parade kahapon dito.

Dinispatsa ng Boston ang Dallas Mave­ricks, 4-1, sa kanilang best-of-seven championship series para makopo ang NBA record na ika-18 championship para basagin ang kanilang pagkakatabla ng karibal na Los Angeles Lakers sa pinakamaraming league titles.

“It’s unbelievable. It still doesn’t seem true. But just t­rying to stay in the moment,” sabi ni All-Star Jayson Tatum sa isang pre-parade rally sa TD Garden.

“Whatever it took for us to win, that’s what I was willing to do,” wika naman ni Finals MVP Jaylen Brown.

Pupuntiryahin ng Celtics ang maging unang back-to-back champions matapos itong magawa ng Golden State Warriors noong 2018.

Dahil sa dami ng fans sa kalsada at trapik ay bigo si Celtics owner Wyc Grousbeck kasama ang kanyang asawang si Emilia Fazzalari at anak na babae na dalhin ang Larry O’Brien Trophy at bagong gawang 2024 championship banner sa arena.

Show comments