Obiena naka-ginto sa Poland

EJ Obiena.
STAR/ File

MANILA, Philippines — Tila handang-handa na si EJ Obiena sa Paris Olympics matapos kumana ng gintong medalya sa 6th Irena Szewinska Memorial sa Bydgoszcz, Poland.

Maganda ang gising ni Obiena matapos magtala ng season-best na 5.97 metro upang masiguro ang unang puwesto sa natu­rang Poland meet.

Unang nilundag ni Obiena ang 5.55m kasunod ang 5.75m sa kanyang unang attempt pa lamang.

Itinaas ito ni Obiena sa 5.82m at sa 5.87m ba­go kubrahin ang ginto sa winning mark na 5.97m.

Hawak ni Obiena ang personal best na 6.0m na kailangan nitong madala sa Paris Games para mapalakas ang tsansa nito sa gintong medalya.

Tinalo ni Obiena sa Po­land si Emmanouil Karalis ng Greece na may naita­lang 5.92m [ara sa pilak na medalya, habang puma­ngatlo si Piotr Lisek ng Poland na may nakuhang 5.75m.

Inaasahang maaabot ni Obiena ang peak nito sa oras na tumuntong ito sa Paris Games na naka­takdang magsimula sa Hulyo 26.

Show comments