Alas Pilipinas itinumba ang India para sa 2-0 record

Hinatawan ni Angel Canino ng Alas Pilipinas ang depensa ng India.
Kuha ni Russel Palma

MANILA, Philippines — Hinataw ng Alas Pilipinas ang ikalawang dikit na panalo matapos itumba ang India, 22-25, 25-21, 25-17, 25-18, sa 2024 Asian Volleyball Confederation Challenge Cup for Women kahapon sa Rizal Memorial Coliseum sa Vito Cruz, Manila.

Muling bumida sina Eya Laure at Angel Canino sa opensa ng mga Pinay Spi­kers para ilista ang 2-0 record sa Pool A.

Pumalo ang Alas Pilipi­nas ng 70 attack points kumpara sa 54 ng India.

Naging sandigan rin ng koponan si Jia De Guzman.

Samantala, dumiretso ang nagdedepensang Vietnam sa pagtatala ng 3-0 record matapos takasan ang Kazakhstan, 25-14, 25-19, 14-25, 25-23.

Pumalo si opposite spiker Nguyen Thi Bich Tuyen ng 30 points mula sa 26 attacks, tatlong blocks at isang service ace para sa dominasyon ng mga Vietnamese sa Pool B.

Bagsak ang mga Kazakhs sa 1-1 baraha.

Bago talunin ang Kazakhstan ay pinadapa muna ng defending champions ang Singapore, 25-8, 29-27, 25-10, at Hong Kong, 25-13, 25-17, 25-16, sa torneong inorganisa ng Philippine National Vollyball Federation (PNVF) sa pamumuno ni Ramon “Tats” Suzara at suportado ng Meralco, PLDT, Smart, Akari, AyalaLand, Nuvali, Foton, POC, PSC, Mikasa, Senoh, Asics, Maynilad, Makati Shangri-La, Rebisco, Cignal, OneSports, OneSports+ at PilipinasLive.

Wawalisin ng Vietnam ang Pool B  sa pagsagupa sa Indonesia bukas ng alas-10 ng umaga.

Samantala, umeskapo ang Iran sa Chinese-Taipei, 24-26, 25-20, 25-18, 28-26, para sa 1-1 kartada sa Pool A.

Naglistasi Aytak Salamat ng 23 points at may 18 markers si Shadehsari Poorsaleh para sa Iran.

Show comments