Kai Sotto ensayo pa rin

Kai Sotto
STAR/File

MANILA, Philippines — Tapos na ang season ni Kai Sotto sa Japan B.League kasama ang Yokohama B-Corsairs.

Subalit walang balak tumigil ang 7-foot-3 Pinoy cager dahil nasa pukpukang ensayo pa rin ito para masigurong nasa kundis­yon pa rin ito sa offseason.

Sumasalang si Sotto sa magagaan na workout sa Fit Twenty One gym sa Las Piñas City upang ma­ging abala pa rin ito habang nasa Pilipinas ito.

Tinututukan ng kampo ni Sotto ang pagpapalakas sa kanyang katawan upang makasabay ito sa malala­king sentro sa pakay nitong makapaglaro sa NBA.

Ilan sa mga suhestiyon ng mga eksperto ang pagpapalaki sa katawan ni Sotto upang maging dominante ito sa shaded area gaya ng ibang players na may parehong posisyon.

Napaulat na sasalang si Sotto sa NBA mini camps sa mga susunod na linggo.

Kaya’t magandang pag­kakataon ito para maihanda ang kanyang pa­ngangatawan bago sumabak sa mini camps.

Naniniwala si Gilas head coach Tim Cone na malaki ang potensiyal ni Sotto para maging ma­lakas na puwersa sa Asya.

Sa katunayan, nagpasiklab ito sa dalawang laro ng Gilas sa first window ng FIBA Asia Cup 2025 Qualifiers noong Pebrero.

Nagtala si Sotto ng a­verages na 15.5 points at 14 rebounds sa panalo ng Gilas sa Hong Kong at Chinese-Taipei.

Mapapalaban na naman si Sotto sa malalaking slotmen sa FIBA Olympic Qualifying Tournament na idaraos sa Riga, Latvia sa Hulyo.

Show comments