Kai Sotto out na sa Yokohama

Kai Sotto
STAR / File

MANILA, Philippines — Tapos na ang ugnayan nina Kai Sotto at Yokohama B-Corsairs sa Japan B.League.

Pormal nang inanunsiyo ng B-Corsairs sa kanilang social media account ang expiration ng loan trasnfer period ng 7-foot-3 Pinoy cager sa kanilang tropa.

“We would like to inform you that the loan transfer period for Kai Sotto who joined us on a loan from Hiroshima Dragonflies, has expired,” ayon sa post ng B-Corsairs.

Naka-loan si Sotto sa Yokohama mula sa dating team nitong Hiroshima Dragonflies.

Maganda ang rekord ni Sotto sa Yokohama kung saan nagtala itong averages na 12.8 points, 6.4 rebounds at 1.1 blocks sa 34 beses na paglalaro nito.

Nagtala pa ng career-high si Sotto na 28 points sa laban ng Yokohama at Alvark Tokyo noong Marso.

Nagpasalamat naman si Sotto sa mainit na pagtanggap ng Yokohama sa kanya.

 Wala pang linaw kung babalik si Sotto sa susunod na season ng Japan B.League.

Nauna nang napaulat na sasalang ito sa mini camps sa Amerika sa pag-asang makapasok sa NBA.

Show comments