PNVF Under-18 finals hahataw sa RMC

MANILA, Philippines — Papagitna ang mga University Athletic Associa­tion of the Philippines (UAAP) teams sa girls’ play, habang sasalang ang mga provincial squads sa boys’ division sa paghataw ng Philippine National Volleyball Federation (PNVF) Under-18 championships ngayon sa Rizal Memorial Coliseum.

Magsasagupa ang National University at University of Santo Tomas ngayong alas-3 para sa girls’ crown.

Inayos ng Lady Bull­pups at Junior Golden Tigresses ang kanilang titular showdown matapos talunin ang mga karibal sa semifinals ng annual tournament na inorganisa ng Philippine National Volleyball Federation (PNVF) sa pangunguna ni Ramon “Tats” Suzara.

Dinomina ng NU ang La Salle-Lipa, 25-19, 25-15, 25-23, habang giniba ng UST ang Kings’ Montessori School, 25-20, 25-14, 25-17, sa semifinals.

Sa boys’ division, pag­la­labanan naman ng Umi­ngan, Pangasinan team at ng Angatleta Sports-Orion, Bataan squad ang titulo sa alas-5:30 ng hapon.

Show comments