SAN ANTONIO, Philippines — Humakot si rookie sensation Victor Wembanyama ng 28 points at 12 rebounds para gabayan ang Spurs sa 132-118 pagdaig sa Oklahoma City Thunder.
Umiskor din si Devin Vassell ng 28 markers para sa pagpigil ng San Antonio (12-48) sa kanilang five-game losing skid.
Kumonekta ang 7-foot-4 na si Wembanyama ng back-to-back 3-pointers sa huling tatlong minuto ng laro kasama ang supalpal sa 3-point attempt ni 7’1 Chet Holmgren sa panig ng Oklahoma City (41-18).
Bumanat si Shai Gilgeous-Alexander ng 31 points para sa Thunder at mat tig-23 markers sina Jalen Williams at Holmgren.
Ipinoste ng Spurs ang 94-82 bentahe sa third quarter bago naiwanan sa 98-100 sa pagbubukas ng fourth period.
Bumandera naman si Wembanyama sa pagresbak ng San Antonio para tuluyan nang agawin ang panalo sa OKC.
Sa New York, bumitaw si Stephen Curry ng 31 points at 11 rebounds sa 110-99 panalo ng Golden State Warriors (31-27) sa Knicks (35-25).
Sa Los Angeles, kumamada si Anthony Davis ng 40 points at 15 rebounds at may 31 markers si LeBron James sa 134-131 overtime win ng Lakers (33-28) sa Washington Wizards (9-50).
Sa Denver, nagtala si Michael Porter Jr. ng 30 points sa 103-97 pagpapalamig ng Nuggets (41-19) sa Miami Heat (33-26).
Sa Charlotte, humakot si Giannis Antetokounmpo ng 24 points at 10 rebounds sa 111-99 pagsuwag ng Milwaukee Bucks (39-21) sa Hornets (15-44).
Sa Orlando, tumipa si Paolo Banchero ng 29 points sa 115-107 pagdispatsa ng Magic (34-26) sa Utah Jazz (27-33).
Sa Phoenix, nagpasabog si Devin Booker ng 35 points at may 24 markers si Kevin Durant sa 110-105 paggiba ng Suns (35-24) sa Houston Rockets (25-34).