Nambatac pumirma uli sa Painters

Rey Nambatac
STAR/ FIle

MANILA, Philippines — Magtatagal pa si Rey Nambatac sa pagsuot ng jersey ng Rain or Shine.

Ito ay matapos pu­mirma ang 5-foot-11 guard ng three-year maximum deal sa kampo ng Elasto Painters na tatakbo hanggang sa 2024.

Pumirma ng kontrata si Nambatac kasama sina Rain or Shine governor Atty. Mamerto Mondragon, consultant Caloy Garcia at assistant team manager Jireh Ibañes.

Malaki ang naitutulong ni Nambatac sa Elasto Painters.

Sa nakalipas na kumperensiya, nagtala ito ng averages na 11.3 points, 4.1 rebounds, 1.9 assists at 0.9 steals.

Matatapos na rin ang kontrata ni dating San Beda University standout Javee Mocon sa Rain or Shine sa susunod na taon.

Kaya’t inaasahang susunod ito sa posibleng bigyan ng renewal ng Elasto Painters management upang hindi na makawala pa ang naturang ace pla­yer.

Show comments