MANILA, Philippines — Kilala ang mga Pinoy na mahilig sa basketball. Maliban sa mga laro sa Pinas, marami ang sumusubaybay sa NBA na maaaring mapanuod ng live online gamit ang Giga Video ng Smart.
Ito ay ilan lamang sa serbisyong hatid ng Smart LTE, ang pinakamabilis na mobile data network sa bansa ayon sa third-party analytics firms na Ookla at Opensignal.
Ayon din sa Opensignal, patuloy ang pagbuti ng mobile network experience sa Pilipinas kaya mas madalas nang naka-connect sa 4G/LTE ang mga Pinoy.
Mula Q4 ng 2017 hanggang Q2 ng 2020, umakyat ng halos 20 percentage points ang 4G availability sa bansa. Ito ang “proportion of time 4G users spend connected to 4G or LTE.”
Para sa Smart subscribers, tumaas ang 4G availability ng 27.8 points sa parehong panahon, mula 59.1% tumalon ito ng 86.9%.
Bumilis din ang Download Speed Experience sa bansa ng 80% mula Q4 ng 2017 hanggang Q1 ng 2020.
Sanagdaang dalawang taon, patuloy na nangunguna ang Smart pagdating dito.
Binigyan diin ng Opensignal ang halaga ng pamumuhunan ng mga operators sa kanilang 4G networks. Ang pagtaas ng 4G availability ay naiuugnay sa pagbilis ng average download speeds.
Sa ngayon, nasa 93% ng mga lungsod at munisipalidad sa Pilipinas at 95% ng buong populasyon ang naseserbisyuhan ng 4G/LTE at 3G services ng Smart.
Ayon kay Alfredo S. Panlilio, Smart President and CEO at PLDT Chief Revenue Officer, ang resulta ng mga speed tests sa mga nagdaang taon ay epekto ng tuluy-tuloy na network investments ng kumpanya, partikular sa LTE habang sinisimulan na rin ang pag-roll out ng 5G service.