Miguel Romero Polo Field venue sa SEAG, pinuri

MANILA, Philippines — Naging maganda ang pagtanggap ng mga tao, media at atleta maging ang netizens nang masilayan Miguel Romero Polo Field venue ng polo events sa 30th Southeast Asian Games.

Agad na hinangaan ang nasilayang world-class na Miguel Romero Polo Field venue sa Calatagan, Batangas kahapon na pinagawa ni Deputy Speaker Rep. Mikee Romero, na isa rin sa pambato ng Pilipinas sa SEA Games sa larangan ng polo.

“This a world-class Polo Field. More than we can imagine. Napaka-ganda talaga,” pahayag ng isang mamamahayag na pumas­yal sa Polo Field.

“Ito po ay pinangalan ko sa aking anak na si Miguel, na yumao. Siya po ay isa ring magaling na Polo player. Nais ko ring ipakita sa ibang bansa, na kaya rin natin magkaroon ng isang world-class na venue para sa ikararangal ng ating bansa,” paliwanag ni Rep. Romero.

Marami ang umaasa na sa angkin galing ng koponan ni Romero, napalaki ng tsansa  na makasungkit ito ng ginto sa pagbubukas ng kanilang kompetisyon simula sa Lunes, (Dec. 2).

Show comments