MANILA, Philippines - Bagama’t talsik na sa torneo ay may dahilan pa rin ang Mahindra para ipanalo ang kanilang laro laban sa NLEX.
Nagkaroon si 6-foot-6 Russell Escoto, miyembro ng Gilas Pilipinas training pool, ng hyper extended left knee sa huling 23 segundo ng second period kung saan bitbit ng Floodbuster ang 57-46 kalamangan laban sa Road Warriors.
“I told them to dedicate this game for Russell (Escoto). I hope his injury is not severe,” sabi ni coach Chris Gavina matapos ang 106-96 panalo ng Mahindra laban sa NLEX sa 2017 PBA Philippine Cup kagabi sa Cuneta Astrodome sa Pasay City.
Kumolekta si Allex Mallari ng 30 points, 10 rebounds at 9 assists para sa 3-7 record ng Floodbuster katabla ang talsik na ring Meralco Bolts, habang nagdagdag si Reden Celda ng 18 markers.
Nag-ambag naman si Escoto ng 12 points bago nagkaroon ng knee injury.
“He showed why he’s a national team player,” wika ni Gavina sa dating sentro ng Far Eastern University Tamaraws sa UAAP. “He really had a national level elite skill.”
Nalasap naman ng Road Warriors ang kanilang ikatlong dikit na kabiguan para sa 2-8 kartada.
Mula sa 11-point lead, 57-46, ng Mahindra sa se-cond period ay nakatabla ang NLEX sa pagtatapos ng third quarter, 77-77, bago tuluyang agawin ang 81-77 bentahe sa kaagahan ng final canto.
Naghulog naman ng 14-1 bomba ang Floodbuster para muling makalayo sa 91-82 bentahe sa huling anim na minuto ng laro patungo sa 99-85 kalamangan sa huling 4:12 minuto ng labanan.
Nauna nang inangkin ng Beermen, nasa eight-game winning streak, ang No. 1 seat sa quarterfinals.
MAHINDRA 106 - Mallari 30, Celda 18, Escoto 12, Galanza 11, Apinan 10, Revilla 9, Deutchman 6, Ballesteros 5, Paniamogan 3, Eriobu 2, Yee 0, Elorde 0, Teng 0, Salva 0.
NLEX 96 - Camson 17, Guinto 13, Baracael 10, Khobuntin 9, Lastimosa 9, Alas 8, Rios 6, J. Villanueva 6, Monfort 5, Lanete 4, Taulava 4, Soyud 2, Gotladera 2, E. Villanueva 1.
Quarterscores: 22-27; 57-49; 77-77; 106-96.