Madis, Velez dinomina ang PP S Dangcagan netfest

MANILA, Philippines -  Binuksan nina Tenielle Madis at John David Velez ang kanilang mga kampanya sa Palawan Pawnshop-Palawan Express Pera Padala regional age group tennis sa pamamagitan ng panalo sa Dangcagan leg sa Bukidnon kahapon.

Nagtala si Madis ng M’lang, Cotabato ng 2-1 record na tinampukan ng 4-0, 4-1 paggiba kay Novie Malinis para angkinin ang korona ng 10-unisex.

Matapos ito ay sinikwat naman ni Madis ang titulo ng girls’ 12-U sa pamamagitan ng 6-3, 6-2 panalo kay Angela Buyante.

Dinuplika naman ni Velez ng Davao City ang kanyang magandang pa­nimula sa 58-stage circuit na itinataguyod ng Palawan Pawnshop at iniha­handog ng Slazenger.

Tinalo ni Velez si Peterson Linsagan, 6-2, 6-0, para sa 14-U title bago isinunod si Vince Dandasan, 6-1, 6-2, sa 16-U finals ng Group 4 tournament na idinaos sa Dangcagan, Kitatao at Kibawe courts.

Inangkin naman ni Jazzelle Madis ang girls’ 16-U crown mula sa 6-3, 6-3 panalo laban kay Ma. Angelica Novis, habang pinasuko ni Patricia Velez si Novis, 6-1 (ret) sa 18-U finals ng event na suportado ng bagong sponsor na Asiatraders Corp. at may basbas ng Philta.

Show comments