Tennis school planong ipatayo ni Nadal sa Pinas

Nagpakuha ng larawan si tennis star Rafael Nadal kasama ang mga kabataang kalahok sa sports clinic kung saan punong-abala ang Rafa Nadal Aca­demy sa Colegio de San Agustin sa Makati City kahapon. Miguel De Guzman

MANILA, Philippines – Nabalutan ng kasabikan ng mga fans ang mainit na Colegio de San Agustin Gym dahil sa paghihintay kay tennis superstar Rafael Nadal.

Dumating na ang tinaguriang ‘King of Clay’.

Sa pagpasok ni Nadal sa gusali ay dumiretso siya sa isang air-conditioned room kung saan siya nagpahinga sandali bago nagtungo sa press conference.

Plano ni Nadal, nasa bansa para maglaro sa International Premier Tennis League para sa Indian Aces, na magtayo ng isang tennis school na ipapangalan sa kanya para maturuan ang mga batang Pinoy.

“Sometimes life is not important to have people to have you. To be an example to everybody. Just to help a little bit. To help and work and give opportunities to the kids,” wika ni Nadal sa mediamen.

Nakipaghatawan ng bola si Nadal, isa sa greatest players na naglaro sa clay, kasama ang kanyang uncle na si Tony Nadal, sa ilang napiling kabataan mula sa iba’t ibang eskuwelahan, kabilang dito ang fast-rising age-grouper na si Rafaella Villanueva na ipinangalan sa Spanish champion.

Show comments