Thompson at Harden isinama sa West All-Stars

MINNEAPOLIS -- Isinama sina Golden State Warriors guard Klay Thompson at Houston Rockets guard James Harden bilang starters para sa Western Conference All-Star team.

Papalitan nina Thompson at Harden ang mga may injury na sina Kobe Bryant at Blake Griffin na nauna nang ibinoto ng mga fans bilang starters, ayon kay Warriors coach Steve Kerr na gigiya sa West Team laban sa East Team sa Linggo sa New York.

Nagpoposte si Thompson ng average na 22.1 points at may 44 percent shooting sa 3-point range para sa Warriors, may best record sa NBA sa kanilang 42-9.

Makakasabay niya ang kanyang Splash Brother na si Stephen Curry.

Show comments