MANILA, Philippines – Binigyan ng Globalport Batang Pier ng magandang pagsalubong ang bagong interim coach na si Eric Gonzales sa pamamagitan ng kagulat-gulat na 98-77 panalo laban sa Barangay Ginebra sa PBA Philippine Cup sa Smart Araneta Coliseum.
Ginunita sa araw na ito ang Bonifacio Day at lumabas ang tapang na ipinakita ng bayaning si Andres Bonifacio sa Batang Pier nang hindi papormahin ang mas malalaking katunggali para maitabla ang karta sa 5-5.
Si Terrence Romeo ay tumapos taglay ang 25 puntos at 13 dito ay ginawa sa first half na kung saan iniwanan ng Batang Pier ng 21 puntos ang Ginebra sa pagtatapos ng unang 24 na minuto.
Limang triples ang ginawa ng koponang pag-aari ni Mikee Romero sa ikalawang yugto at dalawa rito ay kinana ni Romeo sa 10-2 palitan para sa malaking kalamangan.
May 17 puntos pa si Anthony Semerad, si Alex Cabagnot ay may 15 at si Keith Jensen ay nag-ambag ng 11 para sa Globalport na nanatiling palaban sa mahalagang twice-to-beat advantage sa quarterfinals na ibibigay sa mga koponang tatapos mula ikatlo hanggang anim na puwesto.
“It was a collective effort ng mga players,” wika ni Gonzales na pinalitan ang dating head coach na si Alfredo Jarencio na consultant na ng koponan.
Si Greg Slaughter ay mayroong 21 puntos at 15 rebounds habang si Japeth Aguilar ay naghatid ng 14 puntos at 10 boards.
Si LA Tenorio ay may 11 at tumapos si Mac Baracael ng 10 puntos para sa Ginebra na ininda ang masamang panimula para sa kanilang ikatlong sunod na pagkatalo at 5-4 baraha.
Sa ikalawang laro, tinalo ng Rain or Shine ang Purefoods Stars, 83-74.
Globalport 98 - Romeo 25, Semerad 17, Cabagnot 15, Jensen 11, Pinto 5, Buenafe 5, De Ocampo 5, Baclao 4, Caperal 3, Ponferada 3, Pringle 2, Nabong 2, Isip 1, Taha 0.
Ginebra 77 - Slaughter 21, Aguilar 14, Tenorio 11, Baracael 10, Yeo 6, Ellis 4, Caguioa 4, Mamaril 3, Helterbrand 2, Brondial 2, Monfort 0, Forrester 0, Urbiztondo 0.
Quarterscores: 24-16, 52-31, 75-57, 98-77.
Rain or Shine 83 - Lee 18, Tang 11, Norwood 11, Quinahan 11, Uyloan 9, Belga 7, Cruz Jericho 6, Arana 6, Almazan 4, Ibanes 0, Chan 0.
Purefoods 74 - Mallari 12, Yap 11, Devance 10, Simon 9, Melton 8, Barroca 8, Pingris 6, Maliksi 5, Reavis 4, Taha 1, Allado 0, Gaco 0.
Quarterscores: 16-17, 38-32, 60-54, 83-74.