Algieri 'di pera ang habol sa laban nila ni Pacquiao

MANILA, Philippines – Marami ang hindi natuwa sa pagkakapili kay Chris Algieri upang makalaban ni eight-division champion Manny Pacquiao sa Nobyembre sa Macau.

Duda ang karamihan kung magiging kapanapanabik ba ang sagupaan sa pagitan ng wala pang talong si Algieri laban sa beteranong si Pacquiao kaya naman nais patunayan ng Amerikano na hindi lamang siya basta-basta.

“At the end of the day, I believed I proved to be where I am, that I should be here. This is a very real fight,” wika ni Algieri kay Bill Emes ng boxingscene.com.

Lumutang ang pangalan ni Algieri matapos niyang pabagsakin ang Rusong si Ruslan Provodnikov.

Masasabing masuwerte ang bagitong boksingero dahil kikita siya ng $1.5 milyon, sampung beses na mas mataas sa kanyang naiuwi nang makalaban si Provodnikov.

Pero iginiit ni Algieri na hindi pera ang habol niya sa laban.

“Mark my words, I'm coming fully prepared and I think Manny knows this and Freddie [Roach] knows this as well. I'm not here just for a payday. I'm not here just to fight Manny Pacquiao. I'm coming to win this fight and I'm going to be fully prepared on fight night,” banggit niya.

Magtutuos ang dalawa sa Nobyembre 23 sa Cotai Arena ng The Venetian Hotel sa Macau.

Show comments