Murray, Djokovic pasok sa quarters

LONDON --Posibleng magharap sa semifinal round sina Andy Murray at Novak Djokovic sa Wimbledon.

Ito ay matapos talunin ni Murray si 20th-seeded Kevin Anderson, 6-4, 6-3, 7-6 (6), para umabante sa quarterfinals sa pang-pitong sunod na taon kahapon sa maulan na panahon.

Iniligpit naman ng top-seeded na si Djokovic, ang 2011 champion, si No. 14 Jo-Wilfried Tsonga, 6-3, 6-4, 7-6 (5).

Nauna nang tinalo ni Murray si Djokovic sa finals ng Wimbledon noong nakaraang taon para hirangin bilang unang British netter na nagkampeon sa torneo matapos noong 1936.

Sa kanyang laban kay Tsonga ay nakitang namilipit sa sakit si Djokovic sa final set hawak ang kanyang kaliwang braso na nadaganan niya sa naunang laro.

Lalabanan ni Murray sa quarterfinals si No. 11 Grigor Dimitrov, habang makaka­tapat ni Djokovic si No. 26 Marin Cilic.

Sa women’s division, iginupo ni Australian Open champion Stan Wawrinka si 45th-ranked Denis Istomin, 6-3, 6-3, 6-4, sa loob lamang ng 1 1/2 oras.

Lalabanan ni Wawrinka si No. 19 Feliciano Lopez, sinibak si American No. 9 John Isner, 6-7 (8), 7-6 (6), 7-6 (3), 7-5. Ito ang unang pagkakataon sa 103 taon na walang U.S. men o wo­­men na umabante sa  round of 16 sa Wimbledon.

Ipinagpaliban naman ang laro nina Maria Sha­rapova at No. 9 Angelique Kerber dahil sa pag-ulan.

Show comments