WIMBLEDON--Binuksan ni British hero Andy Murray ang Wimbledon mula sa kanyang 6-1, 6-4, 7-5 panalo kay Belgium bet David Goffin sa first round.
“I enjoyed it for the walk to the chair. Then when I sat down, it was time to get on with business,†sabi ni Murray, hangad na maging unang netter na napanatili ang korona matapos si Roger Federer noong 2007
Tanging sa third set lamang nakapaghamon si Goffin kay Murray matapos makakuha ng dalawang break points sa fourth game.
Nagposte rin ng taÂgumÂÂpay si men’s top seed Novak Djokovic, tinalo ni Murray noong Hulyo para hirangin bilang unang home men’s singles champion sa All England Club matapos ang 77 taon, matapos gibain si Andrey Golubev, 6-0, 6-1, 6-4.
Pareho namang umabante sa second round sina dark horse Grigor Dimitrov ng Bulgaria, naghari sa Queen’s Club, at sixth-seeÂded Czech Tomas BerÂdych.
Sa women’s draw, kaÂagad namang natalo si US Open champion Samantha Stosur, ang 17th seed, kay Belgian Yanina Wickmayer, 3-6, 4-6.
Nakalusot si second seed Li Na kontra kay PoÂlish qualifier Paula Kania, 7-5, 6-2.