NU belles maghahabol ng panalo

Laro Ngayon

(The Arena, San Juan City)

8 a.m. UE vs UST (men)

10 a.m. FEU

vs Adamson (M)

2 p.m. UE vs UST (W)

4 p.m. NU vs FEU (W)

 

MANILA, Philippines - Palalakasin pa ng Na­tional University ang paghahabol sa unang dalawang puwesto sa pagbu­bukas ng 76th UAAP women’s volleyball second round ngayon sa The Arena sa San Juan City.

Katipan ng Lady Bulldogs ang palabang FEU sa tampok na laro na magsisimula matapos ang bakbakan ng UST at UE sa ganap na alas-2 ng hapon.

Balak ng Lady Tigres­ses na tapusin ang apat na sunod na kabiguan da­­hilan upang malagay ang koponan sa ikaanim na puwesto sa mahinang 2-5 baraha.

Winalis ng UST ang Amazons sa unang pagki­kita at inaasahang manu­numbalik ang pormang nakita sa unang pagtutuos para panatilihing walang panalo ang UE matapos ang walong laro.

May apat na sunod napanalo ang Lady Bulldogs na papasok sa larong ito at nasimulan ito nang kalusin sa tatlong sets ang Lady Tamaraws.

Asahan naman na mas makakapagbigay ng magandang laban ang FEU matapos ipanalo ang huling dalawang laro para malagay sa mahalagang ikaapat na puwesto sa 4-3 baraha.

Sina Geneveve Casu­god, Remy Palma at Bernadette Pons ang mga magtutulung-tulong uli para maisantabi ang angking height advantage ng Lady Bulldogs.

Angat ang La Salle sa 7-0 baraha at sila ay sasa­lang sa aksyon bukas laban sa Ateneo. (AT)

Show comments