NLEX, Cebuana nagtala ng panalo

Laro Bukas

(The Arena,

San Juan City)

12 n.n. Jumbo Plastic vs NLEX Road Warriors

2 p.m. NU-BDO

vs Hog’s Breath Café

4 p.m. Arellano-Air21

vs Blackwater

 

MANILA, Philippines - Nagpasabog ang NLEX Road Warriors ng 29 puntos sa huling yugto para iwanan ang Wangs Bas­ketball, 96-80, sa PBA D-League Aspirants Cup ka­hapon sa JCSGO Gym sa Cubao, Quezon City.

Mula sa 67-66 iskor sa third period, nag-init si Garvo Lanete at guma­wa ng 13 sa kanyang 24 puntos sa fourth period para makumpleto ng Road Warriors ang pagbangon mula sa isang 10-point deficit sa Couriers sa first half at iangat ang karta sa 5-1.

Ang limang sunod na pun­tos ni Lanete ang nag­bu­kas ng 79-69 kalama­ngan bago ang apat pa na ginawa ng dating kamador ng San Beda sa 6-0 run ang nagtala sa pinakama­laking bentahe sa laro sa 17 puntos, 93-76, may 1:37 minuto sa orasan.

Pinahirapan muna ng Wangs Basketball ang NLEX at nagawa pang lu­mamang sa 46-36 sa hu­ling tatlong minuto ng ika­lawang yugto

Ngunit dalawang tres ang isinalpak nina Kirk Long at Borgie Hermida sa 12-2 palitan upang makatabla sa halftime, 48-48.

Gumawa naman si Roi Su­­mang ng 28 puntos pa­ra sa Cebuana Lhuillier na bumuhos ng laro sa huling yugto patungo sa 95-86 panalo sa Zambales M-Builders sa unang laro.

May 10-of-16 shoo­ting ang dating kamador ng UE, kasama ang apat na tres, habang si James Martinez ay nagbagsak ng limang puntos para ibi­gay sa Gems ang 95-85 bentahe sa huling 28.4 se­gundo.

Gumawa ng 16 puntos, kasama rito ang tatlong tres, si Martinez at sina Riego Gamalinda, Chris Ja­vier at Paul Zamar ay may 13, 12 at 10 puntos, ayon sa pagkakasunod,  pa­ra itaas ang kanilang kar­tada sa 3-4.

NLEX 96 – Lanete 24, Ga­nuelas 15, J. Pascual 14, R. Pascual 11, Hermi­da 9, Dela Cruz 7, Long 5, Alas 4, Amer 3, Raymun­do 2, K. Pascual 2, Dela Ro­sa 0.

Wangs Basketball 80 – Juico 27, Galliguez 13, Vi­jandre 13, Lopez 9, Acosta 5, Ilad 4, Franco 3, Gomez 3, Banal 2, Ferrer 1, Saitanan 0.

Quarterscores: 28-25; 48-48; 67-66; 96-80.

Show comments