Arcilla, Anasta maglalaro sa Davis Cup Group II tie kontra Syria

MANILA, Philippines - Sina veterans Johnny Ar­cilla at Enebert Anasta ang makakasama nina Fil-Ams Treat Huey at Ruben Gon­zales sa kanilang pag­sa­gupa sa Syria sa Asia Oceania Group II Davis Cup tie.

Ito ang inihayag kaha­pon ni Philippine Davis Cup administrator at Philippine Tennis Association vice-president Randy Villanueva.

Pinili ng Philta ang dalawang vete­ran netters imbes na sa mas batang sina Je­son Patrombon at Francis Ca­sey Al­cantara.

Nakatakda ang torneo sa Pebrero 1-3 sa Plantation Bay sa Lapu Lapu City, Ce­bu.

Napabilang ang 32-an­yos na si Arcilla sa Davis Cup team nang kunin ang re­cord na pang pi­­tong titulo sa PCA Open.

Show comments