Ginebra, Petron pinaghahandaan ang Commissioner’s Cup

MANILA, Philippines - Sa susunod na buwan pa ang pagbubukas ng 2013 PBA Commissioner’s Cup, ngunit maigting na ang ginaga­wang paghahanda ng ilang koponan.

Ang dalawa dito ay ang Barangay Ginebra San Miguel ni head coach Alfrancis Chua at ang Petron Blaze ni mentor Olsen Racela.

Nakisali na sa ensayo ng Gin Kings si import Herbert Hill, isang 6-foot-10 at 240-pound center na hinirang ng Utah Jazz bilang second-round draft pick noong 2007.

Si Hill ay college teammate ni Smart Gilas naturalized pla­yer Marcus Douthit na inaasahang muling maglalaro pa­ra sa Air21 matapos noong nakaraang taon.

Ibabandera naman ng Boosters si 6’10 Renaldo Balkman, isang six-year NBA veteran na naglaro pa­ra sa New York Knicks at Den­ver Nuggets.

Show comments