Azkals bahagyang nabunutan ng tinik

BANGKOK--Matapos ma­lagay sa balag ng ala­nga­nin, nasa komportableng posisyon ngayon ang Philippine Azkals patungo sa kanilang huling laro sa group stage sng 2012 AFF Suzuki Cup.

Umakyat sa ikalawang posisyon ang Azkals sa Group A mula sa kanilang three points matapos talunin ang Vietnam, 1-0, no­ong Martes ng gabi na siyang tumabon sa kanilang 1-2 kabiguan sa Thailand.

Tinalo naman ng mga Thailand War Elephants ang Myanmar, 4-0, para ma­kapasok sa semifinals.

Ang panalo laban sa Myanmar (one point) bukas ang awtomatikong magpapasok sa Azkals sa semis anuman ang maging resulta ng laban ng qualifier na War Elephants (six points) at Vietnam (one point).

Maski ang draw sa Myanmar ay sapat na para umabante sa semis ang Azkals kung magiging draw din ang laro ng Thailand at Vietnam.

“We must score one goal because it will be difficult to rely on Thailand if they got the point. On the other hand, if we win by high margin and they lose against Vietnam, it is possible that they (Thais) will be second in the group, which they want to avoid. I think Thailand will (try to) get the point in order to get no.1 because it will help them until the final, if they go there to have the home game in the first leg and not in the second leg,” ani German coach Michael Weiss.

Para maiwasan ang anumang komplikasyon, dapat talunin ng Azkals ang Myanmar.

Show comments