Enjoy lang sa pasasalamat

Mga kapatid, gusto niyo bang matutong mag-enjoy sa buhay?

Secret lang: Laging magpasalamat.

Oo. Ganun lang kasimple. 

Pero ito ‘yung pinakamahirap gawin lalo na pag maraming problema.

Sa psychology, may tawag dyan: gratitude. 

Napatunayan na ng science - ang taong mapagpasalamat, masaya, mas mahimbing ang tulog, at mas matibay sa pagsubok. 

Kasi ang pasasalamat, nagshi-shift ng focus natin. 

From “kulang” to “sapat”. From “problema” to “biyaya”.

Alam ni Lord ‘yan. Kaya sabi sa Biblia: 

“Magpasalamat kayo sa lahat ng pagkakataon, sapagkat ito ang kalooban ng Diyos para sa inyo kay Cristo Jesus.” 1 Tesalonica 5:18

Kaya mga kapatid, ENJOY LANG SA PASASALAMAT! 

Paano? Gawin nating lifestyle. Ito ang 4 simpleng paraan:

PASASALAMAT SA HININGA 

Paggising mo, bago tumayo: “Salamat Lord sa bagong araw.” 

Paglanghap mo ng hangin: “Salamat Lord, humihinga pa ako.” 

‘Yung simpleng paghinga, regalo na ‘yan.

PASASALAMAT SA PANAHON 

‘Pag umaraw: “Salamat Lord, may liwanag.” 

‘Pag umulan: “Salamat Lord, may dilig para sa mga pananim.” 

‘Pag umambon: “Salamat Lord, malamig.” 

Wala nang “ang init!” o “ang lakas ng ulan!” Palitan natin ng pasalamat.

PASASALAMAT SA TAO 

Sa asawa na nagluto. Sa anak na yumakap. 

Sa kaibigang nag-text. Sa driver na naghintay. 

Isang “Salamat po” lang. Ang laki ng epekto sa puso.

PASASALAMAT SA DIYOS 

Para sa ating mga Katoliko, ang Banal na Misa ay Eucharistiya - ibig sabihin “Pasasalamat”. 

Kahit isang oras lang sa isang Linggo, ialay natin kay Lord. 

“Thank you, Lord! Thank you, Jesus!”

Tandaan: 

Hindi dahil masaya ka kaya ka nagpapasalamat. 

Nagpapasalamat ka, kaya ka sumasaya.

Hindi natin kontrolado ang problema. 

Pero kontrolado natin kung paano tayo magre-react. 

At ang pinaka-mabisang reaction ay: PASASALAMAT.

Kaya ngayong Linggo, ENJOY LANG! 

Bilangin mo ang biyaya, hindi ang problema. 

Ngumiti. Magpasalamat. Ulitin. 

Damang-dama mo ang pag-ibig at pag-aalaga ni Lord.

Sa bawat hininga, sa bawat araw, may dahilan para magpasalamat. 

Maraming salamat din po sa inyo! 

Enjoy lang po tayo...

Bendisyunan po kayo ng Poong Maykapal! 

Kita-kits ulit tayo sa Sabado, sa isa pang “Enjoy Lang!”

Show comments