Pananakit ng likod

NANANAKIT ba ang inyong likod? Maaring dahil ito sa posisyon ng pag-upo. Subukan ang mga sumusunod na paraan kung nakakaramdam kayo ng pananakit ng likod.

1. Kung uupo kinakailangan na ito ay tatagal lamang ng 15 minuto. Pagkatapos nito, kinakailangan munang tumayo at maglakad-lakad.

2. Umupo na may suporta sa inyong likod. Kailangang may nakasuportang unan sa iyong likuran o lumbar roll.

3. Panatilihin ang balakang at tuhod na nasa tamang anggulo. Ang hita ay kailangang nakatuwid at ang paa ay nakalapat sa sahig. Kung mababa ka, gumamit ng foot rest o stool kung kinakailangan.

4. Umupo nang diretso o tuwid. Itindig ng diretso ang kurbang bahagi ng likuran.

5. Umupo sa upuan na may sandalan. Ang pag-upo sa malambot na upuan o couch o upuan na walang sandalan ay maaaring makapagpakuba sa likod.

6. Sa opisina, i-adjust ang upuan palapit sa iyong mga gawain. Ipahinga ang siko at braso sa upuan o mesa at pana­tilihing relax ang balikat.

7. Kung uupo sa upuan na may gulong huwag paikutin ang balakang habang nakaupo sa halip ibaling ang buong katawan.

8. Kung tatayo mula sa pagkakaupo, bahagyang iusod muna ang puwitan paharap sa malapit sa dulo ng upuan bago tumayo.

9. Sa pagtayo, ituwid ang mga binti at hita. Agad na iunat ang likod sa pamamagitan ng paggawa ng ilang segundong backbends.

Show comments