MAPANINDIGAN kaya ni MMDA oic chairman Tim Orbos ang kanyang mga pinagsasabi na sasampahan niya ng ‘case problem’ ang mga chairman ng barangay sa Ombudsman?
Ayon sa mga asset ng mga kuwago ng ORA MISMO, may dalawang taga-Kyusing mga barangay chairman ang inireklamo na sa Ombudsman at may mga susunod pa ata.
Sabi, sa ‘praise release!’
Duda ang mga asset ng mga kuwago ng ORA MISMO, na baka ningas-cogon’ lamang ang aksyon ng MMDA todits baka later ‘magka-hetot-hetot’ na naman ang ibinibida nila.
Sabi ng mga asset ng mga kuwago ng ORA MISMO, ang pagsasampal este mali pagsasampa pala raw ng case problema sa piling barangay chairman ay dahil sa mga reklamo. Ang mga ito raw kasi ay nagbibingi-bingihan sa pagkunsinti sa mga illegal parking pinaggagawa ng mga bright sa kanilang mga nasasakupan.
Ayon sa mga asset ng mga kuwago ng ORA MISMO, panahon na para kumilos ang mga barangay chairman lalo’t pinaguusapan ngayon ng gobierno ng barangay election na huwag munang ituloy.
Sabi nga, ang Malacañang ay mag-appoint na lamang nang iba!
Bakit naman?
Sabi kasi ni Boss Digong sa kanyang mga kalapati este mali talumpati pala na 40 porsiento ng mga barangay chairman sa Philippines my Philippines ay sangkot daw sa illegal drugs.
‘Kung totoo ang mga ulat sa matrix ni Boss Digong siguro panahon na para sila matokhan este mali makatok pala.’ sabi ng kuwagong tulak.
Ayon sa mga asset ng mga kuwago ng ORA MISMO, walang lulusot sa isang lugar na hindi malalaman ng barangay?
Bakit?
Sagot - maraming nagsusumbong sa kanila.
Kambiyo isyu, siguro magigising sa katotohanan si Tim Orbos na kabilang sa grupo ng mga abusado ang ilang barangay chairman kaya tama lamang ang ‘praise releases’ nito na kasuhan sila sa Ombudsman.
‘Hindi sinisilip ni Orbos ang West Avenue marami ang nagtataka kung bakit ito takot magpunta dito?’ sabi ng kuwagong nangungutya.
Ayon sa mga asset ng mga kuwago ng ORA MISMO, alam ba ni Orbos na ang mga bangketa sa West Avenue ay ginagawang talyer ng mga negosiante dito at ang masama pa dito rin nila iniiwan 24/7 ang mga sasakyan inaayos nila.
Sabi nga, ang Atoy customs works, Violago echetera ito dapat ang makita ng personal ni Orbos pero hindi dapat siya pumapel dito ngayon Holy Thursday up to Sunday dahil alaws work sila.
Ika nga, malinis ang bangketa?
Sinabi ng mga asset ng mga kuwago ng ORA MISMO, matagal ng inirereklamo sa MMDA at maging sa barangay ang mga bagay na ito pero walang aksyon.
Bakit kaya?
‘May kalakaran ba todits?’
Abangan.
*********
Mag-ingat ngayon summertime
HINDI biro ang init na nararanasan ng madlang pinoy ngayon summertime kaya dapat tayong mag-ingat lalo na sa ‘heat stroke.’
Ika nga, baka madali kayo nito at makuha kayo ng maaga ni Lord. Hehehe !
Ayon sa mga asset ng mga kuwago ng ORA MISMO, para iwas sakit at gastos sa mga gamot kailangan tayong mag-ingat.
Sabi nga, manatiling malinis, amoy-amuyin ang tsibog na kakainin dahil madali itong mapanis.
Lumayo para hindi mahawa sa madlang people na may sakit tulad ng ubo, lagnat, sore eyes, kalbo este mali boni pala dahil uso ito ngayon.
Sabi ng mga asset ng mga kuwago ng ORA MISMO, uminom ng maraming tubig at juices, kumain ng tama, at mag-exercise at panatilihin malinis ang kapaligiran at sarili.
Kamote, korek ka dyan!