Realignment

NGAYON na official nang nag-file ng kanyag certificate of candidacy for president si Mayor Rodrigo Duterte, tiyak na maraming mga taga-Mindanao at maging sa Visayas na tatalon sa kabilang bakod patungo kung nasaan ang alkalde ng Davao City.

Noong kinagabihan ng Biyernes pagkatapos na pagkatapos nag-file ng COC si Duterte, agad nagpatawag ng emergency meeting ang local Liberal Party sa isang hotel dito na kung saan tinalakay nila ang kandidatura ni Duterte.

Karamihan sa mga local executives dito sa katimugan ay pawang mga members ng Liberal Party dahil nga ito ang ruling party ng administrasyon ni Pangulong Aquino. 

At dahil nga sa mga huling kaganapan, tiyak na may mga realignment at mga pagbabago sa mukha ng pulitika dito sa Mindanao dahil sa hakbang ni Duterte.

Si Duterte ay isang Mindanaoan. 

At si Mar Roxas, na siyang standard bearer ng LP, ay hindi taga-Mindanao. 

Ngayon ay tiyak na maraming mga local executives na miyembro ng ruling LP ang tiyak mag-oover the bakod patungo kay Duterte. 

Kahit paano isang malaking kawalan para kay Roxas ang pagtakbo ni Duterte sa pagkapangulo.

Sa susunod na mga araw tiyak may mga pagbabagong magaganap sa LP.

Show comments