KASABAY ng pagdiriwang ng Feast of the Tabernacles ng mga Hudyo at Kristiyano sa Lunes ay makikita rin sa kalangitan ang tinatawag na “super blood moon.” Ibig sabihin, ito ay magiging kakaiba ang kulay ng buwan dahil tulad ng dugo. Lumitaw na rin ito sa mga nakalipas na ilang buwan at para sa mga Christians at Jews, may kahulugan ito sa tinatawag na end times o mga huling araw.
Isasabay dito ng mga evangelical Christians ang isang tatlong araw na panalangin para sa bansa na gaganapin sa Cuneta Astrodome sa Pasay City mula Lunes hanggang Martes sa pangunguna ng Intercessors for the Philippines (IFP) at ng samahang Faceless, Nameless Servants (FNS). Ang simula ng pagtitipon sa Lunes ay mula alas-otso ng umaga hanggang ala-singko ng hapon samantalang ang huling dalawang araw ay idaraos mula ala-una ng hapon hanggang alas-nueve ng gabi.
Mga bantog na international Christian speakers ang magsasalita sa okasyon tulad nina Pastor Neville Johnson, Dr. Bruce Allen, Pastor Reshma Allen at Pastor Joe Sweet. Magsasalita rin ang chairman ng IFP na sina Bishop Dan Balais na senior pastor ng Christ, the Living Stone Fellowship (CLSF) Church; Bishop Eddie Villanueva ng Jesus Is Lord Church, Pastor Ed de Guzman, Bro. Wyden King at Atty. Lyndon Cana.
Hinihimok ni Bishop Balais ang lahat ng mananampalataya na makiisa sa okasyon dahil ang paglitaw ng Super Blood Moon na siyang panghuli sa mga naganap na apat na paglitaw ay sinasabi ng mga siyentista na nagaganap lamang tuwing 500 taon. Pinaniniwalaan ng mga Kristiyano na ito na ang huling yugto ng paglabas ng blood moon dahil pahimakas na ng muling pagbabalik ng Panginoong Jesus.
Ani Bishop Balais “As Christians we cannot afford to miss the celebration of these seven feasts for it has a direct meaning and significance for our salvation and union with our Savior and Creator and rejoice that our salvation draws near.”
Kahit mga Kristiyano ay ipinagdiriwang na ang Feast of Tabernacles dahil ito’y tagubilin ng Diyos sa Leviticus 23.
Para sa karagdagang imporsyon, makipagugnayan sa opisina ng IFP sa 533-5183; 533-5166 at hanapin po si Sis. Jasmin.