For delicadeza magbitiw na kayo DOTC at MRT officials

ANDITO ang mga expert from Hongkong para busisiin ang palpak na Metro Rail Transit - 3.

Sabi ng mga asset ng mga kuwago ng ORA MISMO, they are here para silipin kung ano ang problema ng mga palpak na bagon at kung bakit sunod - sunod ang aberya.

“Kasi nga walang proper maintenance?’ sabi ng kuwagong mananalakay.

Ayon sa mga asset ng mga kuwago ng ORA MISMO, ang mga Hongkong expert ay nasa Philippines my Philippines para malaman ang sakit ng mga palpak na bagon at kung ano dapat ang mga kinakailangan gawin para sa rail system upang hindi magka-barberya este mali aberya pala.

Tanong- Bakit ngayon lang ginawa ito? Bakit hindi pa noon nagkakaroon ng problema ang mga bagon? Hinintay pa nilang lumusot ang bagon sa safety barrier para sila magising kung hindi pa nasaktan ang may 34 riding public?

Ika nga, press release pa?

Naku ha!

Totoo kaya ito?

Ayon sa mga asset ng mga kuwago ng ORA MISMO, last time around pinabagal nila ang takbo ng MRT 3 from 50 to 40 kilometers.

Una na ring ibinaba ng MRT-3 sa 40 kilometers per hour (kph) mula sa

dating 50 kph ang takbo ng tren para makaiwas sa ano man probema kaya lang alaws din nangyari.

Sabi nga, tumitirik pa rin?

Ayon sa mga asset ng mga kuwago ng ORA MISMO, last Saturday problema pa rin ang naranasan ng mga buwisit na buwisit na riding public matapos kasi silang umakyat sa itaas ng MRT para sumakay dito nakita nila ang nakasulat na alaws operasyon dahil nagka-aberya ito.

Ika nga, ‘communication glitch’ naman ang problema.

Tanong - ano na ang ginagawa ng kumpanya para sa maintenance ng MRT?

Bakit mukha tahimik sila o ayaw silang pagsalitain?

“Kaya kumuha pa ng Hongkong experts ang mga opisyal ng DOTC para himayin ang problema?’ sabi ng kuwagong SPO - 10 sa Crame.

‘Sa palagay ko ang problema ay ang pamumulitika ng ilang mga opisyal ng DOTC dahil abala na sila porke malapit na ang 2016?’ ayon sa kuwagong urot.

‘Ano ang dapat gawin ng mga top brass dito?’

Sagot - magbitiw na lang at ang pamumulitika na lamang ang atupagin?

Abangan.

*  *  *

PUPUNTA sa Philippines my Philippines si Most Worshipful Brother Derek Robson kasama sina RWBRO Bruce Munro, RWBRO Manny Maniago at VWBRO Eddy Sarkis, VWBRO Charlie Sarkis, Bro Raul Amor at Bro. Tom Baena ng Sydney, Australia Free and Accepted Masons, para bumisita sa Cebu at magtungo sa Batayan Island upang mamahagi ng mga bangkang pangisda sa mga fishermen doon.

Ang Bantayan Island kasi ay nadale ng super storm Yolanda kaya halos masira ang kanilang kabuhayan doon.

Inaasahan darating sila sa nasabing lugar sa ika - 15 ng Oktubre para mamigay ng mga bangkang pangisda.

Ayon sa mga asset ng mga kuwago ng ORA MISMO, last time ay nagpunta ang mga Mason Brethren sa Bantayan Island at namahagi ng 15 fishing boats.

Abangan.

Show comments