ANG pangaral ni Hesus ang lubusang nagbibigay sa atin ng tunay na liwanag. Noong tayo ay binyagan, tinanggap natin ang tunay na liwanag ng Panginoon. Ngayong panahon ng Kuwaresma, muli tayong hinihimok ng Diyos na matamo natin ang tunay na liwanag upang pagsisihan ang ating mga nagawang kasalanan.
Paghandaan natin ang liwanag ni Hesus upang gantimpalaan din tayo sa Kanyang Muling Pagkabuhay. Maging si Propeta Samuel ay binigyan ng liwanag ng Panginoon sa kanyang pagpili sa hari ng Israel. “Siya ang hinirang Ko; pahiran mo siya ng langis.†Si David ang bunsong anak ni Jesse ang bagong hari ng Israel. Maging sa kanyang awit ay sinabi ni David: “Pastol ko’y Panginoong D’yos, hindi ako magdarahop.â€
Maging si Pablo ay nag-anyaya sa atin na mamuhay ayon sa liwanag ng Panginoon. Huwag tayong makisama sa mga taong gumagawa ng mga bagay na ang dulot ay kadiliman ng kasalanan. Kadalasan ang bunga ng ating kasalanan ay pawang kadiliman at kasamaan sapagka’t ang ginagawa nating kasamaan ay palaging nasa kadiliman. Lahat ng krimen ay laging nagaganap sa kadiliman. Panginoon, liwanagan mo po kami tuwina upang hanapin namin ang kaliwanagan ng aming buhay.
Sa Mabuting Balita ay binigyang-liwanag ni Hesus ang bulag sa pamamagitan ng pagbibigay sa kanya ng paningin. Mga kapatid, ngayon ang muling panahon na hinihikayat tayo ng Panginoon na muling pagsisihan ang ating mga nagawang kasalanan. Magbagong buhay tayo. Hingin natin sa Kanya ang liwanag ng Espiritu Santo, upang muli tayong humanap ng mga gantimpala ng kaliwanagan sa ating pang-araw-araw na buhay. “Panginoon ng kaliwanagan, kami’y iyong pakinggan.â€
Kadalasan, hindi natin alam ang kabuuan ng pagpapala ng Panginoon. Ang lagi nating inaasahan ay kaunlaran ng buhay. Ang tunay na biyaya ng Diyos ay ang liwanagan tayo tuwina sa panahon ng pagsubok. Kaya sa mga mag-asawa, kung kayo ay may problema sa buhay, tumahimik kayo sa halip na mag-away nang mag-away. Sapagkat ang liwanag ng Espiritu Santo ang tanging kalutasan ng mga problema sa buhay!
1Samuel 16:1-6,7; Salmo 22; Efeso 5:8-14 at Juan 9:1-41
* * *
Happy birthday to Archbishop Jose T. Advincula