MAHIRAP arukin kung bakit naglaan ng buhay ang 97 matitipunong Tausug para lang sa pansarili at patalo na layunin ng lider. Inudyukan sila ni Nur Misuari, founder ng Moro National Liberation Front, lumaban sa malakas na puwersang gobyerno. Galit kasi si Misuari nang pinagpaliban siya bilang interim governor ng Autonomous Region of Muslim Mindanao. Dagdag pa, nangulelat siya sa sumunod na halalan. Kaya hay’un, 15 araw sila naghasik ng lagim sa limang maralitang purok sa Zamboanga City. Pumatay sila ng 11 sibilyan, nanunog ng mahigit isang libong bahay, at nagpatakbo sa refugee camp ng 112,000 katao.
Hindi ito unang beses na nauwi sa kamatayan ng mga loyalista ang power-tripping ni Misuari. Nu’ng 2001, nang hindi siya i-extend ng Malacañang bilang governor, pinasunog niya ang bilyon-pisong Kabatangan extension HQ ng ARMM sa Zamboanga.
Sa naunang pag-aalsa nang-hostage ang mga tauhan ni Misuari ng 86 sibilyan, karamihan babae, ilan may sanggol. Ngayon mahigit 400 ang ginawang hostage at human shield. Dahil du’n kakasuhan ang mga nahuling loya-lists ng walang-piyansang terorismo. Si Misuari, dahil malayo sa putukan tulad ng dati, ay inciting to rebellion lang.
Makatutulong kung pag-aralan ng gobyerno kung ano ang nag-udyok sa loyalists. Maaring nagbabaga sa ilalim ng terorismo at bulag na pagsunod ay poot sa kapabayaan at kadukhaan.
Sa mga paunang interrogation ng mga bihag, lumaÂlabas na mga taga-liblib na walang kuryenteng sityo sila, walang pinag-aralan, at hindi alam ang mga balitang pambansa at pangmundo. Ilan ang nagsabing pinangakuan sila ng combat pay. Gay’un din, na kapag maagaw daw nila ang city hall, darating ang “United Nations Navy†para tumulong.
* * *
Makinig sa Sapol, Sabado, 8-10 ng umaga, DWIZ (882-AM). E-mail: jariusbondoc@gmail.com ng combat pay. Gay’un din, na kapag maagaw daw nila ang city hall, darating ang “United Nations Navy†para tumulong.