1. Headache – Ang karamihan ng sakit ng ulo ay dahil sa stress o iyung tinatawag na tension headache. SuÂbukan ang acupressure massage. Dahan-dahan lang ang pagmamasahe. (1) Masahihin ang magkabilang sentido (sa harap at taas ng tainga). (2) Pisilin ang balat sa taas ng ilong at masahihin paitaas. Gawin ito nang maraming beses. (3) Masahihin ang noo sa ibabaw ng kilay mula sa gitna at papalabas. (4) Masahihin din ang mabilog na buto sa likod ng tainga. (5) Pisilin ang malaman na parte sa pagitan ng una at pangalawang daliri. Paalala lang: Huwag na huwag ipapamasahe ang iyong batok, sa likod ng leeg at sa harap ng leeg. Marami na ang naparalisa (paralyze) dahil diyan. Mag-ingat.
2. Insomnia – Uminom ng mainit na chamomile tea with honey sa gabi. Langhapin ang usok nito. Ang chamomile ay nagpapa-relax ng katawan. Kumain din ng isang saging sa gabi. Ang saging ay may tryptophan na nagtatanggal ng stress. Nabibili ang chamomile tea sa mga supermarket.
3. Diabetes – Ang solusyon sa diabetes ay ang pagmo-monitor ng iyong blood sugar. Matutong gumamit ng blood sugar test. Nagkakahalaga ito ng mga P3,000. Kapag nagpapa-check ng blood sugar, tusukin ang pinakamaliit na daliri, sa may tagiliran nito. Mas kaunti ang nerve fibers dito at hindi gaano masakit. Ang normal na fasting blood sugar ay 100 mg/dl o 5.5 mmol/L o mas mababa pa. Umiwas lang sa dalawang bagay: Matataba at matatamis. Iyan lang ang bawal sa may diabetes.
4. Cancer – May mga pagkain na panlaban sa kanser. Para umiwas sa prostate cancer, kumain ng 10 kutÂsarang spaghetti sauce bawat linggo. Para umiwas sa lung cancerÂ, kumain nang maraming kamote. Kapag ang isang tao ay wala pang kanser, ang pinakamagandang kainin ay ang tatlong K: kamatis, karrots at kalabasa. Ngunit kapag may kanser na, ito naman ang mga pagkain na pÂuÂwe deng makapigil sa paglaki ng kanser: green tea, curry powder, bawang, sibuyas, sibuyas dahon (leeks), repolyo, cauliflower, tofu o tokwa, at talong. Damihan ang pagkain ng anti-cancer foods at bawasan ang mga karne at taba. Good luck po.