CAISS, hindi duplicate ng border security systems

MANILA, Philippines — Tiniyak ng Securiport Limited Liability Company na hindi papalit o duplicate sa mga umiiral nang border security system ng pamahalaan ang panukalang Civil Aviation and Immigration Security Services (CAISS), kundi magsisilbing dagdag na kakayahan para mapalakas ang border security ng bansa.

Ayon kay Nate Carpenter, Chief Technology Officer ng Securiport, idinisenyo ang CAISS upang maisama sa kasalukuyang teknolohiya at sistema ng gobyerno.

Sa panayam 21st International Civil Aviation Organization (ICAO) Traveller Identification Programme (TRIP) Symposium sa Montreal, Canada, sinabi niyang hindi papalitan ng proyekto ang mga nauna nang ipinundar ng pamahalaan kundi palalawakin ang kanilang kakayahan sa risk identification at border security.

Gagamit din ang CAISS ng integrated biometrics, kabilang ang facial, fingerprint, at iris matching, upang ma-cross-check ang mga rekord at matukoy ang posibleng pagkakaiba sa pagkakakilanlan ng isang biyahero. Layunin ding palawakin ang sistema sa mga seaport, land border at sea routes, bukod sa mga paliparan.

Show comments