MANILA, Philippines — Naglabas na ng abiso ang US Embassy sa mga aplikante ng visa na sarado ang kanilang tanggapan sa Enero 9 bilang bahagi ng National Day of Mourning para sa yumaong si dating Pangulong Jimmy Carter.
“The U.S. Embassy will be closed on Thursday, January 9 following President Joseph R. Biden’s Executive Order on December 30,” saad sa anunsiyo ng embahada sa Facebook nitong Biyernes.
Kanselado ang lahat ng visa interview at American Citizens Services (ACS) appointment sa U.S. Embassy para sa nasabing petsa at maaaring alamin sa email ng mga aplikante ang re-schedule.
Gayunman, hindi apektado ang Offsite Visa Application Center na mananatiling bukas sa Enero 9 para sa mga aplikante na naka-iskedyul para sa koleksyon ng larawan at fingerprint.
Si Carter na ika-39 Pangulo ng Estados Unidos ay namatay noong Disyembre 29, 2024 sa edad na 100.