Navotas fire: 5 katao patay

Navotas City Map.
Philstar.com / File

Mga biktima na-suffocate

MANILA, Philippines — Lima katao ang patay kabilang ang apat na menor-de-edad makaraang sumiklab ang  sunog kahapon ng  umaga sa Navotas City.

Kinilala ang mga nasawi na sina Sarah Constantino, 41; anak na si  Xylem Lorraine, 17, senior high;  magkapatid na sina ­Daniella, 13, grade 8, at Kayla Jocson, 12, grade 6 at  Ruthie Tongco, 11, grade 6,

Batay sa inisyal na ulat ng Navotas City Public Information Office  nangyari ang sunog  dakong alas-7:02 ng umaga  sa isang bahay sa Gov. Pascual St., malapit sa San Roque Barangay Hall, Brgy.San Roque.

Agad na itinaas sa unang alarma bandang alas-7:14 ng umaga ang sunog at tuluyang naa­pula dakong alas-7:53 ng umaga.

Tumambad naman sa mga bumbero ang walang malay na mga biktima sa loob ng naturang bahay kaya   isinugod  pa sa Navotas City Hospital.

Pinaniniwalaan na-suffocate ang mga biktima dahil wala namang nakitang sugat o lapnos sa mga  katawan nito.

Patuloy ang imbestigasyon ng BFP para matukoy kung magkano ang halaga ng ari-arian ang naabo sa sunog habang inalaam pa kung anu ang pinagmulan ng nasabing insidente.

Iniutos naman  ni Navotas City Mayor John Rey Tiangco sa mga staff ng CSWDO ang agarang tulong  para sa pamilya ng mga biktima kabilang na ang libreng libing/cremation.

Show comments