Bagong Cardinal Pablo Virgilio “Ambo” David nagmisa sa Diocese of Kalookan

MANILA, Philippines — Mainit na pagsalubong ang ipinakita ng mga mananampalataya sa pagbabalik ni  Cardinal Pablo Virgilio “Ambo” David  mula sa Vatican, Rome nitong Sabado, nang mag-officiate agad ng thanksgiving mass sa San Roque Cathedral Parish, Sabado ng umaga.

Mula sa pagiging Bishop, itinalagang Cardinal si David ni Pope Francis.

Dumalo sa misa ang mga arsobispo at mga clergy sa  buong bansa gayundin si Papal Nuncio Archbishop Charles John Brown.

Sa kanyang homiliya, nagpaabot ng pasasalamat si Cardinal David sa kanyang pamilya, mga kaibigan, clergy ng Diocese of Kalookan, at iba pang mga Katoliko na sumuporta sa kaniyang journey.

Kabilang din sa dumalo sa misa ang ilang miyembro ng pamilya ng mga biktima ng extrajudicial killings (EJKs).

Nabatid na pangu­ngunahan ni Cardinal David ang mga aktibidad ng Diocese of Kalookan kabilang ang hinihintay ng marami na Simbang Gabi.

Pagsapit ng kalagitnaan ng 2025 ay bibiyahe uli patungong Roma si Cardinal David para sa titular church o simbahan na kaniyang assignment.

Show comments