Permanent extension sa operating hours ng LRT, MRT Malabo – DOTr

Ipinaliwanag ng Department of Transportation (DOTr) na bagama’t magiging malaking tulong sa mga commuters kung permanente nang pahahabain ang oras ng biyahe ng mga tren, hindi naman anila maaaring isakripisyo ang oras ng maintenance para sa metro rail systems dahil dito ay para na rin sa kaligtasan ng mga mananakay nito.
STAR/ File

MANILA, Philippines —Malabo umanong gawing permanente ang pagpapalawig ng opera­ting hours ng mga train lines sa Metro Manila, kabilang na rito ang Light Rail Transit Line 1 (LRT-1) at Line 2 (LRT-2) at Metro Rail Transit Line 3 (MRT-3).

Ipinaliwanag ng Department of Transportation (DOTr) na bagama’t magiging malaking tulong sa mga commuters kung permanente nang pahahabain ang oras ng biyahe ng mga tren, hindi naman anila maaaring isakripisyo ang oras ng maintenance para sa metro rail systems dahil dito ay para na rin sa kaligtasan ng mga mananakay nito.

Ayon sa DOTr, “Extending operating hours on a permanent basis will compromise the ability of our maintenance teams to conduct necessary system checks and repairs.”

Dagdag pa nito, “These activities are vital to guarantee the safety, reliability, and efficiency of our train services.”

Una nang inanunsiyo ng LRT-1 at 2, gayundin ng MRT-3 na magpapatupad sila ng adjusted operating hours ngayong holidays bunsod na rin ng inaasahang pagdagsa ng mga pasahero.

Marami naman ang humiling na gawin na sanang permanente ang naturang mas mahabang operasyon ng mga train lines. Gayunman, sinabi ng DOTr na, “At present, MRT and LRT operating hours are designed to strike a balance between commuter needs and system maintenance.” 

Show comments