Matapos masalanta ng bagyo LTO San Juan, La Loma balik operasyon na

MANILA, Philippines — Normal na ang operasyon ng LTO San Juan District Office at La Loma District Office makaraang pasukin ng tubig baha sa nagdaang bagyong Carina.

Ayon kay LTO NCR   Director Roque “Rox” I. Verzosa III na nailipat sa bagong lokasyon ang LTO San Juan sa   1 North Domingo St. corner Blumentritt, Barangay Rivera sa pamumuno ni Chief Teresita Lorilla para sa mas maayos na lugar at mabilis na pagseserbisyo sa publiko.

“The San Juan District Office’s move to a new location is part of our commitment to serve more people and enhance our service. With the opening of this new office, we also expect it to provide more convenience to the public.”sabi ni Versoza.

 Ang San Juan District Office ay may average na 300 mixed transactions kada araw mula sa license renewals hanggang rehistro ng sasakyan. 

Normal na rin ang operasyon La Loma District Office na nasa Araneta Avenue QC matapos ang dalawang buwan makaraang pasukin ng tubig baha ang opisina sa kasagsagan ng bagyong Carina at habagat. 

Ayon kay Engineer Roberto Se, Chief ng La Loma District Office na tuluy-tuloy na ang serbisyo nila ngayon makaraan ang nagdaang kalamidad.

Show comments