Pintor nakorner, master key nakakabit pa sa ninakaw na motor

Ang suspek na si alyas “Kevin”, 32-anyos, dahil sa paglabag sa Republic Act 10883 (New Anti-Carnapping Act of 2016) at BP 6 (Illegal Possession of Bladed Weapons).
Philstar.com / Jovannie Lambayan

MANILA, Philippines — Arestado ang isang pintor na tumangay umano ng isang nakaparadnag motorsiklong pag-aari ng isang babae, sa isinagawang dragnet operation ng mga tauhan ng Pateros Municipal Police-Aguho Sub-station, sa Pateros, Metro Manila, nitong Lunes.

Ang suspek na si alyas “Kevin”, 32-anyos, dahil sa paglabag sa Republic Act 10883 (New Anti-Carnapping Act of 2016) at BP 6 (Illegal Possession of Bladed Weapons).

Naganap ang pag-aresto alas-2:30 ng madaling araw ng Hunyo 25, sa Barangay Del Martirez del 96, Pateros, Metro Manila.

Nabatid na ang simulated dragnet operation ay target ang suspek na tumangay ng kulay violet na Yamaha Mio Sporty na may plate number NA44834, batay sa reklamo ng isang alyas “Leodisita”, empleyado, na naglaho ang motorsiklo na kaniyang ipinarada.

Nang mamataan ang motorsiklo, pinara ng mga awtoridad ang suspek, na sa halip na huminto, mas pinaspasan ang takbo kaya mabilis siyang tinugis at nakorner.

Bukod sa nabawing motorsiklo, narekober ng pulisya ng isang patalim at master key na pinaniniwalaang ginamit sa pagkarnap na nakalagay pa sa motorsiklo.

Show comments